Dalawang senador, naghain na ng resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang paglubog ng bangka sa Laguna Lake

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang senador na ang naghain ng resolusyon para magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa nangyaring pagtaob ng bangkang MB Aya Express sa Laguna Lake sa bahagi ng Binangonan, Rizal na ikinasawi ng 27 katao.

Inihain ni Senate Committee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe ang Senate Resolution 704 para matukoy ang accountability sa insidenteng nangyari noong July 27 at para masilip kung nasunod ba ang maritime safety regulations bago payagang maglayag ang naturang motorboat.

Nakasaad sa resolusyon ang pagtukoy ng mga otoridad na overloading ang sanhi ng pagtaob ng pampasaherong bangka kung saan 42 lang ang allowed seating capacity ng motor banca pero ang lulan ng Aya Express ng araw ng trahedya ay nasa 70 pasahero kasama na rito ang mga crew.

Iginiit ni Poe na mahalagang mapanagot sa batas ang mga responsable sa pagkasawi ng 27 indibidwal pati na rin ang tinamong trauma ng 43 mga biktimang nasagip mula sa paglubog ng bangka lalo’t ibinubulgar ng trahedya ang kapabayaan sa pagsunod sa maritime safety.

Inihain na rin ni Senador Raffy Tulfo ang Senate Resolution 705 para masiyasat ang nangyaring trahedya.

Partiklular na nais mangyari ni Tulfo ay ang may managot sa panig ng Philippine Coast Gurad (PCG) dahil sa pagpapahintulot na maglayag ang motorbanca ng overloaded at walang life vest ang mga pasahero.

Gayundin ang hindi pagkonsidera sa masamang panahon sa paglalayag ng bangka.

Bukod aniya sa may-ari ng bangka ay mas malaki ang pananagutan ng mga otoridad na nagkulang sa pag-iinspeksyon sa motorbanca.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us