Day of Mourning, idineklara sa Davao Oriental bilang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Gov. Corazon Malanyaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ng Provincial Government ng Davao Oriental ang period of mourning sa buong probinsiya bilang pagbibigay respeto at pagdadalamhati sa pagkamatay ni Governor Corazon N. Malanyaon.

Sa Executive Order Number 1 ni Vice Governor Niño Sotero Uy, nagsimula ang period of mourning noong Hunyo 28 hanggang July 7, 2023, araw kung saan ihahatid na sa huling himlayan ang namayapang opisyal.

Samantala, nagpapasalamat naman si Uy sa mga accomplishment ni Malanyaon bilang public servant.

Ilalim sa liderato nito, nakamit ng probinsiya ang pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na Seal of Good Housekeeping at Seal of Good Local Governance Award.

Nakamit rin nito ang pagkilala sa pagdeklara sa Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary ng Unesco bilang World Heritage Site.

At kinilala rin ang Cateel Irrigation Project bilang “Mindanao’s biggest irrigation.”

Namatay si Malanyaon noong June 28, 2023 sa edad na 73.| ulat ni Sheila Lisondra| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us