Department of Tourism, binuksan ang kauna-unahang Tourist Rest Area ng bansa sa Medellin, Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan ng Department of Tourism, sa pangunguna ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pagbubukas ng kauna-unahang tourist rest area ng bansa sa Medellin, Cebu.

Ang nasabing Tourist Rest Area ay mayroong libreng charging station at may komportableng mauupuan na pwedeng pagpahingahan ng mga biyahero. Mayroon din itong dedicated space kung saan maaaring bumili ang mga turista ng mga pasalubong mula sa mga produktong likha ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises sa Medellin.

Mayroon din itong malinis na palikuran at shower area na magagamit ng mga bisita ng libre.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Frasco na mahalaga sa kagawaran ang paglalakbay ng bawat turista kaya’t binuo nito ang Tourist Rest Area.

Inanunsyo rin nito na mayroon pang 15 tourist rest areas ang madadagdag sa inisyal nitong listahan ng 10 TRAs.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us