Deputy Speaker Frasco, nag-donate ng lupa para pagtayuan ng public market sa bayan ng San Francisco sa Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdonate ng lupa si Deputy Speaker at Cebu 5th district Representative Duke Frasco sa Brgy. Consuelo sa San Francisco Cebu para patayuan ng public market.

Sariling pondo ni DS Frasco ang ginamit niya pambili ng 1,287 square meters na lupaing nagkakahalaga ng P700,000.

Sa lupang ito itatayo ang palengke, na para sa mambabatas ay isang mahalagang sandigan ng kaunlaran ng isang lugar.

Inaasahan na ng mambabatas, na magiging sentro ito ng trade and commerce na magbubukas naman ng pangkabuhayan at trabaho para sa mga residente.

Maliban dito, mas magkakaroon na rin aniya ng access ang mga residente sa sariwa at lokal na produkto mula sa Camotes Island. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us