Disaster Response Teams ng Philippine Air Force, nakaantabay kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang mga Disaster Response Team Unit kasunod ng pananalasa ng typhoon Egay sa Hilagang Luzon.

Ayon kay Air Force Spokesperson, Colonel Ma. Consuelo Castillo, nagsasagawa na ng mobilisasyon ang kanilang Tactical Operations Group 1 at 2 sa kanilang mga tauhan at kagamitan sakaling kailanganin.

Ang mga ito aniya ang reresponde sa mga lugar na matinding makakaranas ng hagupit ng bagyong Egay partikular na sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela at Ilocos Norte.

Kasunod nito, tiniyak ni Castillo na nananatili silang committed sa pagbibigay tulong sa lahat ng komunidad ngayong panahon ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us