DMW, tiniyak kay Sen. Tulfo na mas lalo nilang pagiigtingin ang pagseserbisyo ng OFW Hospital

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac na “work in progress” pa lamang ang estado ng OFW hospital sa lalawigan ng Pampanga.

Ginawa si Usec. Cacdac ang pahayag kasunod ng sinabi ni Senator Raffy Tulfo na mistulang parang “ghost town” ang nasabing ospital ng mga OFWs.

Sa ekslusibong panayam pinaliwanag ng opisyal, May 1, 2022 nang itatag ang ospital at ngayong 2023 nasa mahigit 13 libo na mga OFWs at kanilang pamilya ang naserbisyuhan ng ospital.

Sa Kamara, inaprubahan sa third and final reading ang House Bill (HB) No. 8325, o ang Overseas Filipino Workers Hospital Act, na siyang pangangasiwaan ng DMW habang wala pang version ang Senado sa House approved bill.

Nangako din si Usec. Cacdac sa senador na lalo pang pag-iibayuhin ng OFW ospital kasabay ng proseso ng pagsasapinal ng plantilla positions at supplies and procurement upang makapag serbisyo pa ng maigi sa mga OFWs.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us