DOE, nakatutuok na sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga probinsya na naapektuhan ni bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Energy (DOE) para sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lalawigan ng Northern Luzon na matinding sinalanta ng nagdaang bagyong Egay.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, kabilang dito ay ang franchise areas ng Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc., Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc., Cagayan II Electric Cooperative, Inc., at Abra Electric Cooperative, Inc, mas mababa sa 50% pa lamang ang naibabalik na suplay ng kuryente sa nasabing franchise areas.

Kaugnay nito, iniulat naman ng National Electrification Administration (NEA) na nasa 64% ng halos 1.6 million consumers sa frachise areas ng apektadong electric cooperatives ang ganap nang naibalik ang suplay ng kuryente ngayong araw.

Nasa mahigit kalahating milyon naman na mga residente pa ang kasalukuyang nag-aantay na maibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar.

Samantala, nasa 50 mula sa kabuuang 62 electric cooperatives na ang nagbalik na sa normal ang operasyon. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us