Magkatuwang na nagsagawa ng field operations ang mga tauhan ng Department of Transportation – Philippines (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa iba’t ibang terminal upang sitahin ang mga tsuper na hindi sumusunod sa kanilang ruta sa prangkisa.
Tugon ito ng ahensya sa mga hinaing ng mga komyuter hinggil sa “trip-cutting” kasunod ng paglunsad sa bagong Commuter Hotline ng DOTr.
Ilan sa mga natiketan ay mga jeepney drivers na nag-iiba ng ruta.
Batay sa Joint Administrative Order 2014-01, ang mapatutunayang hindi sumunod sa rutang nakasaad sa kaniyang prangkisa ay maaaring patawan ng multang nagkakahalagang ₱5,000 para sa unang paglabag.
Kasunod nito, ipinunto naman ng LTFRB ang kahalagahan at karapatan ng mga komyuter na maihatid sa kanilang destinasyon nang ligtas at maayos. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: DOTr