Magpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa C-5 Road Northbound sa Pasig City simula bukas, July 14 ng 10PM hanggang Lunes July 17 ng 5AM.
Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang SMDC Gems Residences hanggang Julia Vargas Avenue Intersection – Lanes 3 at 4 sa Barangay Ugong.
Ito ay upang magbigay daan sa gagawing proyekto ng DPWH.
Humingi naman ng paumanhin ang Pasig Traffic sa mga maaabala ng gagawing road re-blocking.
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Diane Lear