Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makuha ang loan approval na gagamitin sa pagpopondo sa Bataan-Cavite Interlink Bridge sa darating na Nobyembre.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, patuloy ang pakikipagpulong nito sa Asian Development Bank at Asian Infrustructure and Development Bank upang ma-secure na ang loan fund na gagamitin sa naturang proyekto.
Dagdag pa ng kalihim sa kanilang naturang target na ma-approve na ang naturang loan ay uumpisahan ang naturang proyekto sa unang quarter ng 2024 at inaasahang matatapos sa taong 2028.
Saad pa ng kalihim na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng naturang proyekto dahil mapapaikli na ang travel time ng mga produkto mula sa Northern Luzon patungo sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon). | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
📸: DPWH