DSWD, handang tumulong sa LGUs sa posibleng epekto ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tulong sa mga local government unit (LGUs) sa posibleng epekto ng El Niño.

Sa news breaker media forum, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na mayroon nang naka-imbak na pagkain at non-food items ang DSWD, na handang ipadala sa LGUs na maaapektuhan ng tag tuyot.

Bukod pa dito ang cash assistance.

Noong nakaraang weekend lang nagdeklara na ng State of Calamity ang Maguindanao del Sur at Malaybalay City, dahil naman sa torrential rains.

Agad na nakipagtulungan sa mga local official at mga mambabatas ang DSWD, at nagpadala ng tulong.

Nagkaloob din ang ahensiya ng cash for work (CFW) sa mga apektadong pamilya at indibidwal doon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us