DSWD, magpapadala ng karagdagang family tents sa Mayon evacuees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magde-deploy ng 1,000 family tents ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Bicol para sa Mayon evacuees.

Ayon sa DSWD, ang dagdag na augmentation ay bilang paghahanda sa posibilidad na i-akyat sa Alert level 4 ang lagay ng Bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan, mayroong higit sa 400 family tents na hawak ang DSWD Field Office (FO) V na ipapagamit sa 62 pamilya mula sa Barangay Lidong na kailangang i-relocate sa Barangay Sohoton sa Sto. Domingo, Albay province.

Napag-alaman ng DSWD na hindi ligtas ang unang lokasyon ng temporary shelters sa evacuees dahil ito ay nasa gilid lang ng kalsada at gawa pa sa light materials.

Ayon sa DSWD, nakipag-ugnayan na ito kay Sto. Domingo Mayor Jun Aguas para sa relokasyon ng mga pamilya.

Una na ring iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang agarang deployment ng second wave ng family food packs (FFPs) para sa Mayon evacuees. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us