DSWD, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga residente ng Cotabato na naapektuhang ng pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Egay.

Sa pamamagitan ng DSWD SOCCSKSARGEN Field Office, naghatid ang kagawaran ng cash assistance sa 11 pamilya mula sa Bayan ng Libungan na nasira ang tahanan.

Nakatanggap ang mga ito ng tig-₱8,280 emergency cash transfers (ECT) habang may 22 pamilya rin na may partially damaged houses ang binigyan ng tig-₱4,140.

Bukod sa cash assistance, namahagi rin ang FO-12 ng 336 FFPs at sleeping kits sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers sa Pigcawayan.

Sa kasalukuyan, may nakaimbak pang
167,826 FFPs ang DSWD sa ibat ibang warehouses sa SOCCSKSARGEN at mayroon ding nakahandang relief augmentation na nagkakahalaga ng ₱174.76-million. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us