Nagpaabot pa ng mahigit Php112 milyon na resource augmentation assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) na apektado ng Super Typhoon #EgayPH at Habagat.
Ang tulong ng DSWD ay nasa anyo ng family food packs (FFP) at non-food items, gayundin ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Sa 718,016 pamilya o 2,609,366 indibidwal na naapektuhan ni Egay, may 13,411 pamilya o 50,005 indibidwal ang nananatili pa rin sa 625 evacuation centers sa iba’t ibang rehiyon.
Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may sapat pang pondo at stockpile ng relief goods ang departamento para maipadala bilang augmentation assistance sa mga LGU.| ulat ni Rey Ferrer