DSWD, nakapaglaan na ng ₱131-M ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha dahil sa habagat at bagyong Egay.

Ayon sa DSWD, umakyat na sa higit ₱131-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi nito katuwang ang LGUs sa mga apektadong residente mula sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, XI, XII, at CAR

Kasama pa rin sa ipinamamahagi nito ang family food packs at non-food items para sa mga pamilyang nananatili sa evacuation centers.

Aabot pa kasi sa 13,411 pamilya o katumbas ng 50,000 indibidwal ang nananatili ngayon sa evacuation centers.

As of July 30 naman, sumampa na sa higit 718,016 pamilya o 2,609,366 na indibidwal ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us