DSWD Sec. Gatchalian, pinangunahan ang unang araw ng pagpapatupad ng kanilang Oplan Pag-Abot Project sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang unang araw ng full implementation ng Oplan Pag-Abot Project ng ahensya sa Metro Manila.

Sa naging operasyon nila kahapon, nilapitan ng kanilang team ang mga pamilya’t indibidwal na naninirahan sa kahabaan ng Macapagal at Roxas Boulevard sa Pasay City.

Dito ay personal na kinausap at kinumbinsi ni Gatchalian ang mga pamilya sa lansangan na boluntaryong mapasailalim sa kustodiya ng DSWD upang mabigyan ng naaangkop at kinakailangang tulong.

Ayon sa kalihim, layon ng progama na protektahan ang bawat pamilya’t indibidwal mula sa panganib ng kanilang paninirahan sa lansangan habang sinisigurong pinoprotektahan ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Maliban sa Pasay, ipagpapatuloy ng DSWD ngayong buwan ang kanilang reach-out operations sa National Capital Region, tulad ng lungsod ng Maynila at Caloocan nang salitan upang masigurong mabibigyan ng karampatang tulong ang mga pamilya’t indibidwal na nasa lansangan.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us