Halos 5.5 bilyong pisong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ang idinulot ng Bagyong Egay.
Batay sa datos ng NDRRMC ngayong araw, umabot na sa P1.9 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa mga pananim.
Ayon sa NDRRMC, halos 149,000 hektarya ng pananim ang mga napinsala ng bagyo kasama na ang taniman ng palay, mais at ibang high-value crops.
Umaabot naman sa mahigit 114,000 mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, P3.5 bilyon naman ang inisyal na pinsala ng bagyo sa imprastraktura.
Karamihan ng mga sinira ng bagyo ay mga daan, tulay, flood control, government facilities, mga paaralan, utility services facilities at iba pa.
Nasa P344,000 naman ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga kabahayan kung saan mahigit 34,000 mga tahanan ang partially damaged habang nasa 1,283 ang totally damaged. | ulat ni Leo Sarne