Pumalo na sa P810 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), nasa 169 na mga paaralan ang nasira sa siyam na rehiyon.
Kabilang dito ang Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Region 1, Region 2, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, at Region 8.
Habang 68 na paaralan naman ang ginagamit na evacuation centers sa apat na rehiyon sa bansa, kabilang ang Cordillera Administrative Region, Region II, Region III, at Region VI.
Inatasan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tukuyin ang mga paaralan na napinsala sa Northern Luzon upang agad na maisayos isang buwan bago magsimula ang pasukan.| ulat ni Diane Lear