Halos ₱12-M gantimpala, ipinagkaloob ng PNP sa mga “tipster”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagkakaloob ng gantimpala sa 13 “tipster” na nakatulong sa pagdakip ng 13 Most Wanted Persons sa bansa.

Sa simpleng awarding ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, tumanggap ng kabuuang P11.7 milyon ang mga nagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng mga wanted na indibidwal.

Pinakamalaki ang natanggap ng dalawang informant na nakatulong sa paghuli ng dalawang communist terrorist group leaders na sina Ma. Salome Crisostomo at Rosita Celina Serrano na parehong may tig P5 milyong patong sa ulo.

Ayon kay Gen. Acorda, ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng PNP para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang “most wanted persons”.

Kasunod nito, hinihimok ng pamunuan ng PNP ang publiko na ipagbigay alam sa mga otoridad ang mga impormasyong may kinalaman sa mga indibidwal na pinaghahanap ng batas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us