Halos 500 benepisyaryo sa Pampanga, pinagkalooban ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 490 benepisyaryo mula sa mahihirap na sektor sa Pampanga ang tumanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pamamahagi ng tulong ay isinabay sa rollout ng Kadiwa ng Pangulo sa lalawigan, na mismong si Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. ang nanguna.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bawat benepisyaryo ay pinagkalooban ng family food packs at P3,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kabilang sa mga benepisyaryo ay solo parents, informal settlers, labor workers, at iba pa mula sa vulnerable sectors.

Ginawaran din ng DSWD ng livelihood grants ang 13 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us