Health Workers na nagpamalas ng natatanging galing at serbisyo, binigyang pagkilala sa kauna-unahang Provincial Health Assembly sa Lanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging highlight sa kauna-unahang Provincial Health Assembly sa Lalawigan ng Lanao del Sur ang pagbigay pagkilala sa mga health workers na may natatanging serbisyo at galing sa kani-kanilang trabaho bilang mga doktor at nurse nitong July 29, 2023 sa Provincial Capitol Complex bilang bahagi rin ng 64th Araw ng Lanao del Sur.

Maliban rito ay nagkaroon rin ng presentasyon ng mga best practices ng mga district hospitals at rural health units kung saan ipinarating ni Dr. Alinader Minalang ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang kanilang mga programang tumutugon sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care.

Maliban rito ay napag-usapan rin ang mga kasalukuyang hamon at pagsasaliksik ng mga makabagong solusyon at pagbuo ng mga estratehiya upang makamit ang mga layunin ng UHC.

Samantala, binigyang-diin naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. ang kaniyang adhikain sa pamamagitan ng Provincial Health Office na magkaroon ng libre at murang health services para sa lahat ng kaniyang kinasasakupan.| ulat ni Johaniah N. Yusoph| RP1 Marawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us