Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat at bagyong Egay.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA-NCR,
kaninang alas-5 ng umaga, umiiral ang Orange Alert sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa ilalim nito, nagbabadya ang patuloy na pagbaha sa mabababang lugar at may banta ng pagguho ng lupa.

Nakataas rin ang Yellow Warning sa ilang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, QuezonCity, at Marikina, maging sa Rizal (SanMateo, Antipolo, Rodriguez), Tarlac, Pampanga, at Bulacan.

Mahina hanggang katamtamang ulan na minsan ay may kalakasan din ang nakakaapekto sa Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, at ilang bahagi ng Metro Manila, at Rizal na maaaring tumagal hanggang tatlong oras.

Samantala, nakataas naman ang red warning sa Babuyan Group of Islands, Batanes, Northern Cagayan(Sta. Ana, Gonzaga, Abulug, Buguey, Sta. Teresita, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Lal-lo, Allacapan, Pamplona, SanchezMira, Claveria, Sta. Praxedes) at llocos Norte(Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Vintar and Burgos).

Sa mga lugar na ito, ay posibleng magkaroon ng matinding pagbaha at landslide na maaaring maging dahilan ng paglikas ng ilang residente.

Dahil dito, patuloy na inaabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na mahigpit na i-monitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us