Hindi tumitigil ang pamahalaan sa pag-alalay sa mga residenteng apektado ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon.
Base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malacañang, aabot na sa ₱105 million na humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga apektadong residente.
Ang assistance na ito ay mula sa DSWD, mga lokal na pamahalaan, non-government organizations, at iba pang kabalikat ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, nanatili pa sa 26 na evacuation centers sa region 5 ang higit 5,000 pamilya na nagsilikas.
Nasa higit 400 pamilya naman ang tumutuloy muna sa kanilang mga kamag-anak.
Sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), mayroon pang dalawang bilyong piso ang nakahanda para sa iba pang emergency o pangangailangan. | ulat ni Racquel Bayan