Higit 1,700 kilos ng frozen meat products, nakumpiska ng DA sa isang Chinese restaurant sa Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 1,705 kilo ng frozen meat products ang kinumpiska ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang operasyon nito sa isang Chinese restaurant sa Cebu City.

Ayon sa DA, bigong makapagpakita ng certificate of meat importation (COMI) ang Luys Classic Teahouse nang bisitahin ito ng mga operatiba ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DA-IE) at ng National Meat Inspection Service (NMIS) noong June 27.

Kabilang sa mga kinumpiska sa naturang Chinese resto sa Cebu ang kilo-kilong frozen duck, goose, black chicken, at frozen pork.

Ayon kay DA Assistant Secretary James Layug, sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 201 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang may-ari ng restaurant.

Bahagi pa rin ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang hakbang kontra agricultural smuggling. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us