May kabuuang 230 magsasaka sa CALABARZON na benepisyaryo ng agrarian reform program ang pinagkalooban ng 267 pinagsamang individual at electronic land titles (e-titles) at certificates of land ownership award mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Saklaw nito ang 241.8 ektaryang lupain na matatagpuan sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon I, at Quezon II.
Sinabi ni DAR Usec for Policy, Planning and Research Office, Luis Meinrado Pañgulayan, ang 186 e-titles ay ibinigay sa 157 ARBs sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT ng ahensya.
Layunin ng Project SPLIT na palakasin ang seguridad sa panunungkulan at karapatan sa ari-arian sa mga lupain ng ARBs.
Ang natitirang 81 CLOA ay ipinagkaloob sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at ipinamahagi sa 73 ARBs.| ulat ni Rey Ferrer