IACT, nagsimula nang manghuli ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ngayong umaga na manghuli ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway sa Pasay City.

Nagpapatuloy ang isinasagawang panghuhuli ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) laban sa mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA Busway sa Pasay City.

Karamihan sa mga nahuling motorista ngayong umaga ay batid na bawal dumaan ang mga pribadong sasakyan sa EDSA Busway.

Ang nagiging dahilan ng mga motorista kaya sila dumadaan ng EDSA Busway ay nata-traffic sila dahil sa mga jeep na nagsasakay ng mga pasahero.

Ayon sa law enforcer ng IACT, may katumbas na puntos ang mga traffic rules na nalalabag ng mga motorista batay sa Land Transportation Office (LTO) Demerit System sa ilalim ng RA 10930.

Ang mga nahuling sasakyan ay karaniwang nakakauha ng five demerit points, depende pa kung mayroon pa itong nalabag. Kinakailan na matubos ang kanilang lisensya sa punong tanggapan ng LTO sa Quezon City at sumailalim sa reorientation course at kinakailangang maipasa ang exam bago sila payagan muling makapagmaneho.

Makakaapekto rin ang demerit points na kanilang makukuha para sa pag-renew ng kanilang lisensya. Kung halimbawa na ang isang motorista ay umabot na sa 40 demerit points ang nakuha ay mare-revoke ang kanyang lisensya at hindi makakapagmaneho sa loob ng dalawang taon.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us