Ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr. ‘Generally Peaceful,’ ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangkalahatang naging mapayapa ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. batay sa kanilang naging assessment.

Bagaman, may ilang eskena kanina tulad ng pag agaw-eksena ng isang welgista mula sa August Twenty One Movement (ATOM), sinabi ni Nartatez na hindi naman ito inaresto bagkus ay kinumpiska ang kanilang materyales.

Sa isyu naman ng pagsusunog ng effigy, sinabi ni Nartatez na wala naman silang naging pagtutol sa anumang uri ng pamamahayag basta’t huwag lang aniyang nakagagambala sa iba o nakapipinsala sa kalikasan.

Kung sa probinsya aniya, minumultahan ang mga magsasaka na nagsasagawa ng kaingin, sinabi ng NCRPO Chief na mas lalong kailangang parusahan ang mga ito sa kalunsuran dahil malinaw aniyang paglabag ito sa Clean Air Act.

Gayunman, nagpapasalamat si Nartatez sa buong pamunuan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang force multipliers dahil sa nagkakaisa nilang hakbang na mapanatili ang kaayusan gayundin ang kapayapaan sa kasagsagan ng SONA.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us