Normal pa rin ang operasyon ng ilang carwash sa Quezon City.
Ito ay kahit pa may anunsyo na ang Maynilad, na posibleng magkaroon ng siyam na oras na water interruption dahil na rin sa epekto ng El Niño sa suplay ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa mga carwash, mayroon naman silang imbakan ng tubig sakaling humina ang pressure.
Pero ang ilang carwash boy aminado na mahihirapan kung mauwi sa mano-mano ang paglilinis ng tubig.
Karamihan din anila sa mga customer ay mas pinipili talaga ang power wash.
Bago ito ay nag-anunsyo na ang National Water Resources Board (NWRB), na babawasan pa ang water allocation sa MWSS sa 48 cubic meters per second (cms) mula sa 50 cms kapag bumagsak sa 180 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam. | ulat ni Kathleen Jean Forbes