Nadagdagan pa ang mga lalawigang nawalan na ng suplay ng kuryente dahil sa bagyong Egay.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), as of 7am, apektado na ngayon ang ilang transmission facilities nito sa Aurora, Abra, Cagayan, Benguet, at Nueva Ecija dahil sa epekto ng kalamidad.
Kabilang sa mga naapektuhang pasilidad ay ang Lal-lo-Sta. Ana 69 kilovolt Line at Tuguegarao-Magapit 69 kilovolt Line na nagseserbisyo sa Cagayan Electric Coop. I at II, San Esteban-Bangued 69kV Line na nagsusuplay sa buong Abra, Itogon-Ampucao 23kV Line at La Trinidad-Ampucao 69kV Line na nagsusuplay sa ilang bahagi ng Baguio City; Itogon, Tuba, Benguet, at maging sa ilang lugar sa Pangasinan.
Hindi rin gumagana ang transmission line sa Cabanatuan-San Luis 69kV Line na nagseserbisyo sa ilang bahagi ng Nueva Ecija hanggang Aurora.
Ayon sa NGCP, nagpapadala na ito ng mga line crew na para inspeksyunin at iassess ang impact ng bagyo sa kanilang pasilidad.
Agad namang ikakasa ang restoration ng mga linya oras na humupa na ang masamang panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa