Nais ng Iloilo City government na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa susunod na promotional video ng Department of Tourism (DOT).
Matapos na makansela ang kontrata ng DOT sa advertising agency na DBB Philippines, umaasa si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mapapabilang ang Dinagyang Festival at Molo Church na ipinagmamalaki ng lungsod sa susunod na tourism video ng DOT para sa kanilang “Love the Philippines” campaign.
Aniya, hinirang ang Dinagyang Festiva bilang Best Tourism Event ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) ng makailang beses at isa namang historical landmark ang Molo Church.
Plano ng alkalde na magpadala ng opisyal na sulat sa DOT upang hilingin na mapabilang ang dalawang sikat na destinasyon sa lungsod sa susunod na promotional video ng ahensya.
Samantala, tatalakayin naman ni Junel Ann Divinagracia tourism officer ng lungsod ang hiling ng alkalde sa susunod na meeting ng ATOP.| via Emme Santiagudo| RP Iloilo