Inagurasyon ng isang Super Health Center sa Carcar, Cebu, pinangunahan ni Senador Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa sa 19 na Super Health Centers ang pinasinayaan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa lungsod ng Carcar ngayong araw dito sa Cebu.

Sina Sen. Go at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony sa lokasyon nito sa Barangay Poblacion III.

Matatandaan na una nang napasinayaan ang dalawang Super Health Centers na itatayo sa bayan ng Cordova at lungsod ng Toledo noong Marso.

Nasa 19 ang layon na itayo sa Cebu kasama na ang sa mga lungsod ng Danao, Talisay, Bogo, Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu at ang mga bayan ng Borbon, Moalboal, Samboan, San Francisco, Carmen, Consolacion, Liloan, at Medellin.

Sa kanyang naging mensahe, nag-alok ng tulong si Go upang malagyan din ito ng isang dialysis center upang hindi na bumiyahe ang mga taga probinsya sa lungsod ng Cebu.

Dagdag niya na makakatulong itong bumaba ang bilang ng mga pumupunta mga malalaking ospital sa lungsod.

Ang Super Health Center ay may sariling diagnostic center, out-patient department (OPD) kasama na ang mga iba’t ibang medical specialties, at emergency facility na magbibigay ng agarang pagtugon sa kani-kanilang health needs.| ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us