Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang suspect sa tangkang pagpatay kay Joshua Abiad, photo journalist ng Remate Online.
Kinilala ang naarestong suspect na si Eduardo Almario Legazpi.
Sa pulong balitaan, sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, na nahuli ng pulisya si Legaspi sa Muntinlupa City.
Dahil sa kanyang pagkahuli, nalaman na hindi lang lima ang suspect kung hindi walo ang bilang sa kabuuan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng QCPD, na isang dating chairman ng isang barangay sa Pasay City ang mastermind sa tangkang pagpatay kay Abiad.
Mga aliases at hindi muna pinangalanan ng pulsiya ang iba pang suspek kabilang si barangay Chairman Nanad.
Isa sa motibo ng tangkang pagpatay ay ang umano’y duda ng barangay chairman, na si Joshua Abiad ang source ng mga naglalabasang negatibong impormayon laban sa dating kapitan.
Magugunitang bukod sa photographer, sugatan din ang kanyang kapatid at dalawang pamangkin sa pamamaril noong Hunyo 29. | ulat ni Rey Ferrer