“It’s Showtime”, ipinatawag sa MTRCB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatawag ngayong araw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producers ng noontime variety show na “It’s Showtime”.

Ito ay para pagpaliwanagin sa ilang eksena sa “Isip Bata” segment ng show na ipinalabas sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11 noong July 25 na nagpakita ng ‘di umano’y ‘indecent acts’ ng mga artistang sina Vice Ganda at Ion Perez.

Matatandaang nag-viral kamakailan sa social media ang video nina Vice at lon na tumitikim ng icing ng cake sa naturang show.

Ayon sa MTRCB, ang pag-iisyu nito ng Notice to Appear at Testify ay bunsod na rin ng natanggap na patong-patong na reklamo mula sa publiko.

Paliwanag nito, ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.

“We assure the Public that the MTRCB acts timely on any complaint(s), big or small, without any distinction, raised before it subject to the observance of due process.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: MTRCB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us