Taguig LGU, magsasagawa ng bukas
Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pangunguna ng Persons with Disabilities Affairs Office at Public Employment Services Office (PESO) ng isang Job Fair para sa persons with disability (PWDs), bukas, July 22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Gaganapin ang nasabing job fair sa Lakeshore Hall, Brgy. Lower Bicutan, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, kung saan lalahukan ito ng 17 kumpanya, kabilang na ang Human Resource Management Office ng Taguig City Government.
Para sa mga PWD na nagnanais lumahok sa job fair ay mangyaring magpadala ng mensahe sa official Facebook page ng Persons with Disabilities Affairs Office – Taguig, kalakip ang mga detalye tulad ng kumpletong pangalan, edad, disability ID Number, disability, Educational Attainment, Barangay, at Contact Number.
Nauna nang isinagawa ngayong linggo ang Career Talk/Job Orientation at Resume Making Workshop, pati na rin ang Home Management Training on Disaster Risk Reduction Management for Persons with Disabilities, bilang bahagi ng paghahanda para sa persons with disabilities. | ulat ni Gab Villegas