Joint disaster relief efforts sa pagitan ng Pilipinas at China, iminumungkahi ni Sen. Francis Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na magkaroon ng joint disaster relief efforts sa pagitan ng Pilipinas at China para makatulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng baha at sinalanta ng bagyo.

Ayon kay Tolentino, ito ang mas maaaring gawin ng dalawang bansa kaysa ang isinusulong na joint maritime patrols ng Manila at Beijing sa mga pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Giit ng senador, ang pagkakaroon ng dalawang bansa ng joint disaster team para sa humanitarian assistance and disaster relief (HADR) ang mas nakikita niyang dapat gawin ngayon.

Alinsunod rin aniya ito sa UN resolutions 46-182 at 58-114 na parehong may kinalaman sa mga prinsipyo ng humanity, partiality at independence.

Mayroon namang kondisyon si Tolentino na hinihiling na kapag tumulong ang China sa relief at disaster assistance dito sa Pilipinas ay payagan din tayong pumasok sa China.

Sa ngayon aniya ay malabo nang tanggapin ng gobyerno ng Pilipinas ang proposal ng Beijing na magsagawa ng bilateral patrol sa West Philippine Sea dahil hindi naman treaty ally ang China at wala ring umiiral na mutual defense treaty ito sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us