Kaligtasan ng mga taga-Sulu, pinatitiyak ni Sen. Padilla bunsod ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan ngayon ni Senador Robin Padilla ang sitwasyon ng mga kababayan natin sa Bangsamoro, lalo na sa Sulu, na apektado ng engkwentrong nangyari sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan.

Si Mudjasan ay nahaharap sa mga patong-patong na kaso ng multiple murder, illegal possession of firearms and explosives, at pag-eempleyo ng mga sibilyan para gawing private armies.

Sinabi ni Padilla na pinakikinggan niya ang lahat ng panig kasama na rin ang panawagan sa kanya ni dating Vice Mayor Mudjasan sa kanyang inilabas na public video.

Gayunpaman, sa ngayon ay ipapaubaya na muna, aniya ng mambabatas, sa mga hakbangin ng ehekutibo at aantabayanan ang patutunguhan ng kanilang aksyon.

Sa lehislatura naman aniya ay may pagkakataon silang magsagawa ng pagdinig in aid of legislation kung kakailanganin.

Kasabay nito ay nanawagan si Padilla ng kahinahunan mula sa lahat ng panig para maiwasan ang karahasan.

Kung maaari naman aniyang madaan sa mapayapang pag-uusap ang isyu ay sana mabigyan ito ng pagkakataon para maiwasan ang karahasan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us