Nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang food packs sa rehiyon ng Cagayan na isa sa mga labis na hinahagupit ngayon ng Bagyong Egay.
Sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian, nasa kabuuang 17,000 family food packs ang inihatid na kaninang umaga sa apat na warehouses sa rehiyon.
4,500 FFPs ang dadalhin sa Santiago, Isabela; 8,000 FFPs sa Tuguegarao City, Cagayan; 1,500 FFPs sa Cabarroguis, Quirino; at 3,000 FFPs ang inihatid sa warehouse sa Abulug, Cagayan.
Inaasahang matutugunan nito ang request ng ilang LGUs sa Cagayan kasunod ng pagdami ng mga residenteng apektado ng bagyo.
Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 1,300 na mga pamilya o katumbas ng 4,322 indibidwal ang pansamantala ngayong nananatili sa 75 evacuation centers sa buong rehiyon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at Bagyong Egay.
Nakikipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng DSWD sa iba pang LGU kabilang sa Aparri, Calayan, Sta Ana, Gonzaga, Alcala, Amulung, Gattaran para sa pangangailangan ng kanilang mga residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD