Kaso ng Leptospirosis, tumaas — DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.

Batay sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, aabot sa kabuuang 2,079 ang kaso ng nasabing sakit.

Mula naman Hunyo 18 hanggang Hulyo 1, nadagdagan pa ng 182 bagong kaso ng leptospirosis o katumbas ng 42 porsiyento na pagtaas mula sa dating 128 kaso.

Pinakamarami ang naitala sa Central Luzon na tumaas ang kaso sa nakalipas na anim na linggo; kung saan nakapagtala ito ng siyam na kaso mula Hulyo 2 hanggang 15.

Sinundan naman ito ng siyam pang rehiyon sa bansa kabilang na ang National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at CARAGA na nakapagtala ng pito hanggang 53 bagong kaso.

Siyam na kaso naman ang naitala sa Ilocos region, at tatlong bagong kaso naman ang naitala sa Bicol Region.

Iniulat din ng DOH, na aabot sa 225 ang naitala nilang bilang ng mga nasawi mula sa leptospirosis.

Kaya’t patuloy ang paalala ng kagawaran sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha nang walang sapat na panangga tulad ng bota. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us