Kilo/S Kyusi Charity Bazaar, inilunsad ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na sa publiko ang KILO/S KYUSI o “Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” na Charity Bazaar ng pamahalaang Lungsod ng Quezon.

Pinangunahan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang Grand Opening ng naturang bazaar sa Inner Lobby ng High Rise Building ng Quezon City Hall ngayong umaga.

Tampok rito ang pre-loved at brand new items na ang iba ay ibebenta ng kada kilo. Ilan sa mga mabibili rito ang formal gowns, locally designed Filipiniana gowns, homeware, bags, at iba pa.

Ayon kay Mayor Belmonte, ang kikitain ng proyektong ito ay mapupunta sa Quezon City Recovery Trust Fund na siyang gagamitin para sa mga programa na tutugon sa learning loss sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Partikular dito ang para sa tutoring program ng mga kabataang estudyante sa lungsod.

Bukod dito, hinikayat ng alkalde ang publiko na tangkilikin ang programa na nagtutulak din ng pag-reuse sa textile upang mabawasan ang problema ng polusyon.

Bukas ang Kilo/S Kyusi Kilos Store hanggang sa Biyernes, July 21 mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us