Tuluyan nang inalis ng Department of Tourism (DOT) sa lahat ng social media platforms nito ang kontrobersiyal na tourism promotional video na nilikha ng advertising agency na DDB Philippines.
Ito ay matapos kanselahin na ng Tourism Department ang kontrata nito sa DDB Philippines, dahil sa paggamit nito ng stock video at pangongopya ng promotional video mula sa ibang bansa.
Ayon sa DOT, hindi sumunod sa nilalaman ng kanilang kontrata ang DDB Philippines, sa paggamit ng mga materyales nito kaya’t humantong sila sa desisyon na kanselahin ito.
Una nang umani ng galit at pagkadismaya mula sa publiko ang kontrobersyal na video, makaraang hindi maisama rito ang ilan sa mga tinaguriang iconic na tourist destination sa bansa.
Sa halip, ginamit ang mga video na hindi naman kinuha sa Pilipinas kung hindi hinango mula sa promotional videos ng ibang mga bansa sa Asya. | ulat ni Jaymark Dagala