Landslide, naitala sa lungsod ng Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang landslide naitala sa bahagi ng bike lane ng C-5 Road, Brgy. Western Bicutan ngayong umaga.

Ayon sa Taguig LGU, walang nasaktan o namatay mula sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng lugar.

Isinara ang bike lane at outermost lane ng C5 Road na katabi ng lugar ng insidente upang mabawasan ang pagyanig ng lupa na maaaring magdulot ng karagdagang pagguho.

Isinagawa ang pre-emptive evacuation sa Nabua Covered Court upang ilikas ang 23 pamilyang nakatira malapit sa landslide area para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Kasalukuyang ginagawa ang assessment ng mga engineer ng City of Taguig, katuwang ang DPWH at Metro Parkway Clearing Group ng MMDA upang agad na ma-reinforce ang pader na gumuho at malinis ang lupa at debris sa landslide area. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us