Las Piñas LGU, naglunsad ng Nutrition Caravan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng Nutrition Caravan ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ngayong araw.Ito ay kasabay ng obserbasyon ng buong bansa sa Buwan ng Nutrisyon tuwing Hulyo ng bawat taon.

Ayon sa Las Piñas LGU, bahagi ito ng kanilang kampanya na isulong ang tamang nutrisyon gayundin ang pagkakaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay.

Isinagawa ang Nutrition Caravan sa harap ng Las Piñas City Hall Main Lobby gayundin sa City Health Office, City Nutrition Office at Hall of Justice.

Dito, nagkaroon din ng Libreng Nutrition Counseling sa mga Nutritionist Dietitian para sa mga Las Piñero at kawani ng lokal na pamahalaan.

Naglalayon itong alamin ang kanilang nutritional status at madagdagan din ang kaalaman ukol sa tamang nutrisyon. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Las Piñas LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us