LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga atleta at delagado ng Palarong Pambansa 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay ito libreng sakay sa LRT-2 para sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa 2023.

Ito ay bilang suporta ng LRTA sa naturang patimpalak.

Kabilang sa mabebenepisyuhan ng libreng sakay ang mga athlete, coach at trainer, national at local committee member, volunteer, technical worker, official, medical staff, at accredited media.

Kailangan lang ipakita ang Palarong Pambansa ID para i-avail ang libreng sakay simula July 31 hanggang August 5.

Ngayong araw, pormal nang binuksan ang patimpalak sa Marikina Sports Center na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us