LTO, planong magpatupad ng ‘warning system’ para sa PUVs tuwing may bagyo at iba pang kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng mga hakbang na magbibigay babala sa mga pampublikong sasakyan, sa tuwing masama ang panahon at may kalamidad.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, nais i-adopt ng ahensya ang isang safety measure tulad ng no-sea travel policy, kasunod ng mapaminsalang epekto ng Super Bagyong Egay kung saan maraming kalsada ang hindi madaanan.

Bahagi ng hakbang ang regular na ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at local disaster risk reduction management offices, sa pamamagitan ng LTO regional district offices.

Ito ay para sa information dissemination sa kondisyon ng mga lansangan at ruta ng mga public utility vehicle (PUV).

Sa kaparehong ugnayan ayon kay Mendoza, ay inaasahang magkakaroon ng listahan ng mga kalsadang prone sa pagguho ng lupa at pagbaha sa tuwing masama ang panahon.

Pagtiyak pa ni Mendoza, na may mga LTO enforcer ang ipakakalat sa mga bus at iba pang PUV terminal para mag-abiso hinggil sa kondisyon ng mga kalsada sa tuwing may bagyo.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga stranded na pasahero. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us