Mahigit 160 residente sa Cagayan, inilikas ng Naval Forces Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Naval Forces Northern Luzon ang paglikas ng mga residente sa mga bulnerableng komunidad sa Cagayan sa gitna ng banta ng bagyong Egay.

Umalalay ang mga Disaster Response Team (DRT) ng 30th Marine Company (30MC), sa paglikas ng 100 indibidual, kabilang ang 25 bata mula sa Brgy. Caroan Gonzaga, Cagayan patungo sa evacuation center sa Brgy. Smart.

Habang nagsagawa naman ng pre-emptive evacuation ang 20th Marine Company (20MC) Disaster Response Team sa  sa Brgy Port Irene, Cagayan.

Nasa 17 pamilya na binubuo ng 67 indibidwal mula sa naturang barangay ang dinala sa Brgy. Casambalangan Gymnasium.

Naisagawa ang dalawang operasyon bago mag-landfall kaninang madaling araw ang bagyong Egay.

Tiniyak ng Naval Forces Northern Luzon na nananatiling naka-antabay ang kanilang mga DRT para sa mabilis na pagresponde sa anumang emergency na dulot ng pananalasa ng bagyo.  | ulat ni Leo Sarne

📸: NFNL

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us