Mahigit 1,600 evacuees sa Albay, nakararanas ng respiratory disease –DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga evacuee sa Lalawigan ng Albay dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa lalawigan.

Ito ay ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Enrique Tayag, makaraang kumpirmahin nito na nakararanas ng iba’t ibang respiratory illness ang mga evacuee sa nabanggit na lugar.

Batay aniya sa kanilang monitoring mula Hunyo 12 hanggang 16, sinabi ni Tayag na aabot sa 1,642 ang naitala nilang kaso ng acute respiratory infections.

Partikular aniyang nakararanas ang mga ito ng mga sintomas ng ubo, sipon at pananakit ng lalamunan bunsod na rin ng mga nalalanghap na abo mula sa nag-aalburotong bulkan.

Ang magandang balita, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga nagsilikas matapos silang sumalang sa confirmatory test ng Provincial Health Unit.

Gayunman, aabot lamang sa 150 ang nakitaan ng lagnat mula sa mga isinailalim sa pagsusuri na ngayon ay ginagamot na.

Bukod dito, nakatutok din ang DOH sa epektong dulot ng El Niño at mga nararanasang pag-ulan, dahil dito aniya naitatala ang pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit dulot ng pabago-bagong lagay ng panahon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us