Mahigit 1K Senior High Graduates sa Mangaldan National High School tumanggap ng regalo kay VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi napigilan ng nasa 1092 na Senior High School na nagtapos sa Mangaldan National High School ngayong araw (July 12, 2023) ang tuwa at hiyawan matapos inanunsyo ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na magbibigay ito ng regalo sa kanila.

Sa naging anunsyo ng bise presidente kung saan tumayo itong Panauhing Pandangal sa ginaganap na 6th Commencement Exercise sa MNHS, bawat graduate ay makakatanggap ng halagang P1000 na pambili umano ng lechong manok para sa selebrasyon ng kanilang pagtatapos kasama ang kanilang pamilya.

Ayon kay VP Sara, hindi ito nakapaghanda ng 1092 cellphone na ibibigay sa mga SHS graduates bagkus ay tig isang libo na lamang ang regalo sa kanila.

Bago magtungo sa MNHS ang bise presidente ay tinungo muna nito ang Tococ Elementary School sa bayan ng San Fabian kung saan niregaluhan naman nito ang 54 mag-aaral na nagtapos sa lugar ng mga cellphones.

Umulan man ay matagumpay pa ring naihatid ni VP Sara ang kanyang mensahe sa mga mag-aaral at mga guro. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga itong makapag-selfie sa kanya.| ulat ni Verna Beltran| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us