Mahigit 90,000 kilo ng recyclable materials, nakolekta ng “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa halos 90,000 kilo ng basura ang nakolekta ng Mobile Materials Recovery Facility “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula Enero hanggang Hunyo 27 ngayong taon.

Ayon sa MMDA, mahigit P300,000 naman ang halaga ng mga grocery item na naipamahagi sa mga naipon at nagpapalit ng kanilang mga basura.

Layon ng proyekto na mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad.

Sa ilalim ng proyekto, may katumbas na puntos ang mga malinis na recyclables gaya ng bote, papel, lata at iba pang recyclable materials kung saan maaari itong ipalit sa bigas, instant noodles, at canned goods.

Matatandaan namang inilunsad ang naturang proyekto sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila noong Hunyo 2021. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us