Nasabat ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasay City Police Office ang mahigit P3.4 na milyong halaga ng shabu.
Ito ay sa ikinasang drug buy-bust operations ng mga awtoridad sa open parking ng isang shopping Center sa Brgy. 79 sa Pasay City.
Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto sa isang drug suspek na kinilalang si Nasrodin Baulo, 26 anyos at residente ng Brgy. 187 sa nabanggit na lungsod.
Nakuha kay Baulo ang aabot sa 500 gramo ng shabu gayundin ang P1,000 ginamit bilang buy-bust money.
Dahil dito ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling drug suspek. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: PDEA