Makati City Mayor Abby Binay, nagbigay ng pahayag ukol sa naging desisyon ng korte sa paglilipat ng 10 barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay ukol sa naging desisyon ng Korte Suprema sa paglilipat ng nasa 10 barangay mula sa Ikalawang Distrito ng Makati sa Lungsod ng Taguig.

Sa kanyang naging mensahe sa isang video message, sinabi ng alkalde na hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte Suprema sa kanilng lungsod upang magkaroon ng panibagong transition period sa paglilipat ng naturang mga barangay sa Taguig City.

Dagdag pa ng alkalde na nababahala ito para sa kinabukasan ng mga batang kasalukuyang nag-aaral at pinopondohan ng lungsod sa pagbibigay ng dekalidad at maayos na edukasyon ng city government sa kanilang pag-aaral gayundin ang mga senoir citizens sa nakapaloob sa kanilang mga programa sa Makati.

Saad pa ng alkalde na kanyang ikinalulungkot ang pagkawala ng nasa 300,000 residente, mapa-bata at matatanda na mawawala sa mga programa at serbisyo ng kanilang lungsod.

Sa huli, sinabi ni Mayor Abby na sa mga susunod na mga araw ay makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang national government agencies upang ipagpatuloy ang laban sa kinabukasan ng kanilang mga residente sa naturang 10 barangay. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us